UNITY IN ACTION, LIVELIHOOD FOR ALL
Isang makabuluhang pagdiriwang ang naisagawa sa paggunita ng 4th Anniversary ng BIGKIS Balagtas Chapter, kasabay ng opisyal na Rollout ng BIGKIS sa 24 na Munisipalidad ng Bulacan. Ang makasaysayang aktibidad na ito ay sumasalamin sa patuloy na paglago ng organisasyon at sa pagpapalawak ng mga programang nakatuon sa pagkakaisa, kabuhayan, at paglilingkod sa mas maraming komunidad.
Pinangunahan ang pagdiriwang nina BIGKIS Founding Chairman Joy Buendicho at BIGKIS President Rex Moran Loba, na nagbigay ng mensahe ng inspirasyon at patuloy na paghikayat sa lahat ng opisyal at miyembro na maging katuwang sa pagsusulong ng mga programang magdadala ng positibong pagbabago sa buhay ng bawat Pilipino.
Naging pagkakataon rin ang pagtitipon upang pagtibayin ang samahan ng mga lider at miyembro ng BIGKIS, gayundin ang opisyal na pagpapalawak ng organisasyon sa 24 na munisipalidad ng Bulacan, bilang bahagi ng patuloy na misyon ng BIGKIS na maihatid ang mga programa nito sa mas maraming komunidad.
Lubos ang aming pasasalamat sa mga indibidwal at organisasyong nagbigay ng kanilang suporta at pakikiisa sa matagumpay na pagdiriwang:
๐ Mr. Enzo Pineda โ Arugang Pinoy Foundation
๐ Mr. Emerson Magbitang โ PHILCORP
๐ Councilor Jovic Magbitang โ Municipality of Balagtas
Ang kanilang suporta ay naging mahalagang bahagi sa patuloy na pagpapalakas ng mga programa ng BIGKIS at sa pagsusulong ng adhikain nitong magbigay ng mas maraming oportunidad para sa mga komunidad.
๐ฌ Apat na taon ng tapat na paglilingkod, at mas marami pang komunidad ang maaabot.
๐ฑ Patuloy na nagkakaisa para sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat Pilipino.




