Region 3 · 6 Hulyo 2026

CANDABA, PAMPANGA – NEW MEMBERS ORIENTATION

UNITY IN ACTION, LIVELIHOOD FOR ALL

Naisagawa ang New Members Orientation sa Candaba, Pampanga bilang bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng BIGKIS at pagbibigay ng kaalaman sa mga bagong kasapi tungkol sa misyon, layunin, at mga programang isinusulong ng BIGKIS at Arugang Pinoy Foundation.

Pinangunahan nina BIGKIS President Rex Moran Loba at Founding Chairman Joy Buendicho ang isinagawang orientation, kung saan personal nilang ipinakilala ang organisasyon at ibinahagi ang bisyon, mga programa, at mga adhikaing nagsusulong ng pagkakaisa, paglilingkod, at kabuhayan para sa mga komunidad.

Sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan sa mga bagong miyembro, nabigyang-diin ang mahalagang papel ng bawat isa sa pagpapalawak ng samahan at sa pagsusulong ng mga programang naglalayong makapaghatid ng positibong pagbabago at mas maraming oportunidad para sa mamamayang Pilipino.

💬 Isang matatag na samahan ang nagsisimula sa iisang layunin—ang maglingkod.

🌱 Sama-samang kumikilos para sa mas maunlad at nagkakaisang komunidad.

Tingnan ang orihinal na post sa FacebookLahat ng balita