UNITY IN ACTION, LIVELIHOOD FOR ALL
Noong Hulyo 14, 2026 (Martes) alas-9:00 ng umaga, nagsagawa ng Courtesy Call ang BIGKIS Inc. Occidental Mindoro Chapter sa tanggapan ni Governor Eduardo Baltazar Gadiano bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na BIGKIS Oath Taking Ceremony na gaganapin sa Agosto 2, 2026 (Linggo).
Pinangunahan ang courtesy visit ni Occidental Mindoro President Jolly Mati-ong Varona, kasama ang mga opisyal ng BIGKIS Occidental Mindoro Chapter, upang ipabatid ang nalalapit na Oath Taking at higit pang mapagtibay ang ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan sa pagsusulong ng mga programang pangkomunidad at pangkabuhayan.
Ang pagbisitang ito ay sumasalamin sa patuloy na adhikain ng BIGKIS na makipagtulungan sa iba't ibang sektor upang makabuo ng mas maraming inisyatibang magbibigay ng oportunidad at positibong pagbabago sa buhay ng mga mamamayan ng Occidental Mindoro.
Ang gawaing ito ay isinagawa sa ilalim ng pangkalahatang direksyon ni BIGKIS President Rex Moran Loba at sa patuloy na suporta at inspirasyon ng Founding Chairman Joy Buendicho, na kapwa nagsusulong ng mga programang nagtataguyod ng pagkakaisa, kabuhayan, at kaunlaran ng bawat komunidad.
💬 Mas matatag na ugnayan, mas makabuluhang paglilingkod.
🌱 Sama-samang naghahanda para sa isang makasaysayang Oath Taking at mas maunlad na komunidad.



