UNITY IN ACTION, LIVELIHOOD FOR ALL
Isang matagumpay na BIGKIS Roll Out and Orientation ang isinagawa sa Plaridel, Bulacan bilang bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng organisasyon at pagpapakilala ng mga programa at adbokasiya ng BIGKIS sa mas maraming komunidad.
Pinangunahan ang aktibidad nina BIGKIS President Rex Moran Loba at Founding Chairman Joy Buendicho, na personal na nagbahagi ng bisyon at misyon ng organisasyon, gayundin ng mga programang nakatuon sa community empowerment, livelihood development, at volunteerism.
Dinaluhan ang orientation ng 19 Barangay Head Leaders at 15 Municipal Directors ng BIGKIS Plaridel, Bulacan, na nagpahayag ng kanilang suporta at kahandaang makiisa sa pagsusulong ng mga proyekto at programang magbibigay ng positibong pagbabago sa kanilang mga nasasakupan.
Sa pamamagitan ng Roll Out na ito, higit pang napatatag ang pundasyon ng BIGKIS sa Plaridel, habang patuloy na lumalawak ang samahan upang maihatid ang mga programang nagbibigay ng oportunidad, pagkakaisa, at pag-asa sa mas maraming Pilipino.
💬 Mas maraming lider, mas malawak na paglilingkod.
🌱 Sama-samang nagkakaisa para sa mas matatag at mas maunlad na kinabukasan.




