Region 2 · 20 Hulyo 2026

SOLANO, NUEVA VIZCAYA – COMMUNITY GARDEN & DAYCARE BEAUTIFICATION PROJECT

UNITY IN ACTION, LIVELIHOOD FOR ALL

Patuloy na isinusulong ng BIGKIS Solano Chapter ang mga gawaing nakatuon sa pagpapabuti ng komunidad sa pamamagitan ng Community Garden at Beautification of Daycare School, bilang bahagi ng mga regular na community projects na isinasagawa tuwing Sabado at Linggo, mula 6:30 AM hanggang 9:00 AM.

Pinangungunahan ni Meidi Macaraeg Laddaran ang mga gawaing ito, katuwang ang mga opisyal at miyembro ng BIGKIS Solano Chapter, na sama-samang naglalaan ng oras at serbisyo upang makalikha ng mas malinis, mas luntian, at mas maayos na kapaligiran para sa komunidad at sa mga kabataan.

Ang Community Garden ay naglalayong hikayatin ang pagtatanim at pagsusulong ng food sustainability, habang ang beautification ng daycare school ay nagpapakita ng malasakit ng BIGKIS sa paglikha ng isang mas ligtas at kaaya-ayang lugar para sa pagkatuto ng mga bata.

Ang gawaing ito ay isinagawa sa ilalim ng pangkalahatang direksyon ni BIGKIS President Rex Moran Loba at sa patuloy na suporta at inspirasyon ng Founding Chairman Joy Buendicho, na kapwa nagsusulong ng mga programang nagbibigay ng pag-asa, pagkakaisa, at pangmatagalang pag-unlad sa mga komunidad.

💬 Bawat oras ng paglilingkod ay binhi ng mas magandang bukas.

🌱 Sama-samang kumikilos para sa mas malinis, mas luntian, at mas maunlad na komunidad.

Tingnan ang orihinal na post sa FacebookLahat ng balita